本文へ移動

Gabay sa Paggamit

Anong klaseng lugar ang Haguhagu no Ki

Ang Pang-komunidad na Sumusuporta sa Pagpapalaki ng Bata na “Haguhagu no Ki” ng Minami-ku ay isang pang-komunidad na pasilidad na sumusuporta sa mas mainam na pangangalaga sa mga bata sa komunidad. Inaanyayahan namin ang mga nanay at tatay, lolo at lola na magtungo kasama ang kanilang mga anak. Ikinalulugod din namin ang mga nagdadalantao na dumalo kasama ang ka-pamilya nito. Huwag mag atubiling dumaan at maglagi sa anumang oras. May kapansanan man, lahi, edad o kasarian, ito ay hindi balakit sa pagbuo ng isang lugar kung saan masususportahan natin ang isa’t-isa bilang bahagi ng pag-unlad ng ating mga anak.

6 na Serbisyo ng Haguhagu no Ki

 Para sa mga Pamilyang may Anak
 
Lugar para sa mga Bata at mga Magulang
 
Lugar ito kung saan maaaring maglaro, magkipagusap at makihalubilo ang mga bata sa kapwa bata at ibang magulang. Makakaasa ng bukas-palad na pagtanggap mula sa mga kagawad dito.
 
Konsultasyon sa Pagpapalaking Bata
 
Madaling malalapitan ang mga kagawad. Kung may pag-aalala o katanungan ukol sa suporta sa pagpapalaki ng bata, huwag mag-atubiling sumangguni. Maaari ring magamit ang silid pang-konsultasyon kung may nais pag-usapan.
 
Pagkalap at Pagbibigay ng Impormasyon
 
Nangangalap, isinasaayos at nagbibigay kami ng mga simpleng impormasyon ukol sa pangangalaga sa bata. Ililimbag ito buwan-buwan sa pampublikong babasahin at sa internet para sa mga hindi makakadalo ay pinapadala din ito.
 
Sistema ng Suporta sa Pagpapalaki ng Bata saYokohama
 
Sa sistemang ito, makikinabang ang mga magulang o pamilya na naghahanap ng magbabantay sa kanilang mga anak. Gayundin ang pakinabang ng mga sumusuporta na gustong mag-alaga ng bata. Ang mga aktibidades ay nakatuon sa ganitong pagtutulungan sa pagitan ng mga magulang at mga sumusuporta.
 
 Para sa mga Nakikibahagi sa Pang-komunidad na Suporta sa Pagpapalaki ng Bata
 
Networking
 
Tinitulungan namin ang mga magulang at sumusuporta sa pagpapalaki ng bata na lumikha ng network sa pamamagitan ng pakikipag-palitan ng impormasyon. Nagsasagawa ng mga pagpupulong sangayon dito.
 
Mapagkukunang-unlad Pantao
 
Nagsasagawa kami ng pagsasanay para sa mga magulang at mga sumusoporta. Nagsasaayos din kami ng mga oportunidad para sumama ang iba pa.

Gabay sa Paggamit ng Nasabing Espasyo

Ang gabay sa paggamit ng espasyo ng Sistema ng Pagsuporta sa Pagpapalaki ng Bata“Haguhagu no Ki” ng Minami-ku ay ang sumusunod:
 
Punto ng Grupo: Mga sanggol at mga bagong pa lang mag-aaaral kasama ang kanilang mga magulang, pamilya o mga taga suporta na may kinalaman sa panganganak at suporta sa pagpapalaki ng bata na naninirahan sa lungsod ng Yokohama.
 
Bukas: Martes-Sabado
Sarado ito ng Linggo, Lunes at kung araw ng pangilin. Kung nagkataong araw ng pangilin ang Lunes, sarado ito ng Martes. Sarado rin ito sa pagbubukas at pagsasara ng taon (Disyembre 29 hanggang Enero 3).
 
Kailangang rehistrado upang magamit ang pasilidad. Kung bago pa lang, humingi sa tanggapan ng kopya ng papel ng applikasyon. Gamitin ang ibibigay na pang-miyembrong kard sa mga pagbisita sa lugar.
 
Tanggapan
 
Laging ipakita ang “Pang-miyembrong kard” sa tanggapan kung papasok at lalabas.
 
Isulat ang pangalan ng anak sa sulatan ng pangalan na pandikit na papel at idikit ito sa kanila kung saan madaling makita. May kanya-kanyang kulay ang pandikit na papel ayon sa gulang.
 
Naaayon ang mga kulay ng pang-miyembrong kard sa sumusunod na mga lugar o nasasakupan.
 
Lugar ng Nakamura/Maita Maputla lila
Lugar ng Osannomiya/Minami-Oota Banayad na Asul
Lugar ng Nagata Asul
Lugar ng Idogaya/Gumyoji Banayad na Berde
Lugar ng Mutsukawa/Nagata Sannodai Dilaw
Lugar ng Ooka/Bessho Dalandan
Labas ng Minami-ku rosas
 
Pagkain at Inumin
 
Ang tanghalian ay 12:00pm hanggang 1:00pm. (Maaaring uminom, magpadede o magpakain sa mga sanggol kahit anong oras.)
Iwasan ang pagdala ng sitsiriya
Maaaring gamitin ang termos at microwave.
 
Para sa Kaligtasan
 
Siguraduhing walang medyas ang anak kapag ito ay maglalaro.
Sundin ang patakaran ng sasabihin ng kagawad kung sakaling lumindol, may sunog o iba pang kalamidad.
 
Bisikleta at Andador
 
Ilagay ang andador sa nakatalagang lugar sa ika-2 palapag (sa harap ng elevator).
Walang paradahan para sa bisikleta o sasakyan
 
Paghihiram ng Aklat
 
Maaaring humiram ang bata ng tatlong libro sa loob ng dalawang linggo.
Magtungo sa tanggapan kung hihiram o mag-sasauli ng libro.
 
Kapehan
 
Sa halagang \50, meron ka nang inumin (kape,tsaa). Sariling serbisyo ito. May mga kupon ng tiket sa tanggapan.
Uminom kung saan merong placemat.
 
Iba pa
 
Iuwi ang kanya-kanyang basura, kasama rito ang tira-tirang pagkain, bote ng mga inumin at mga gamit na lampin. Huwag magtapon kung saan-saan!
 
Ingatan ang inyong mga kagamitan.
Iwasan ang pagdala ng larawang aklat at mga laruan.
Kung magpapalit ng lampin para sa inyong anak, may lugar sa palikuran na nakatalaga para dito. (Maaari ninyong gamitin ang mga lampin na nasa “Lugar ng Paalagaan”)
Kung may mga katanungan, huwag mag atubiling lumapit sa mga kagawad. Inaasahan namin ang inyong kooperasyon. Maraming Salamat!

Tungkol sa Sentrong Pang-Supporta

Ang “Haguhagu no Ki” ay may silid sanayan at opisina.
 
Silid Sanayan
 
May mga kursong pagsasanay at pagpupulong tungkol sa Pang-suporta sa pagpapalaki ng bata at pangangalaga bilang mga magulang .
Mayroon ding mga pagpupulong ang Grupong Pang-suporta sa pagpapalaki ng bata.
 
Opisina
 
Dito matatagpuan ang sangay ng Sistema Pang-suporta sa mga magulang ng Yokohama sa Minami-ku.
南区地域子育て支援拠点
『はぐはぐの樹』

【交流スペース】
親子の皆さんはこちらです。
〒232-0067
神奈川県横浜市南区弘明寺町158
カルムⅠ 2階
TEL&FAX.045-715-3728

【サポートルーム】
こちらは事務所です。
〒232-0056
神奈川県横浜市南区通町4-115
アイルイン弘明寺 2階
TEL.045-720-3655
 FAX.045-715-3815

TOPへ戻る